I love Eminem!
ISANG MAPAGPALAYANG PAGBATI MULA SA THE BREWRATS AT KAY RA RIVERA!
MALIGAYANG PASKO PO SA INYONG LAHAT!
Hihihihi. Ako ang nasa top ng Google image search for Yakult kawaii. Pati #12. ^_^
Simbang Gabi - Parokya ni Edgar
Anong oras na ba? Magfo-four o’clock na yata!
Maguumaga na, bagsak pa ang aking mata
Kahit inaantok pa ko, pipilitin kong maligo,
Matagal maginit ng tubig mamatay na sa lamig!
*Excited na ako Siyempre dahil sa’yo
Kasama na naman kita Hanggang sa mag-umaga
Simbang Gabi! Magsi-simbang Gabi kami!Masarap, malamig ang hangin Masarap din maglambing
Magkayakap magdamagan Hindi ka bibitawan
Ililibre pa kita ng bagong luto na bibingka
Tapos maglalakad pauwi, bukas nanaman uli!Mamayang umaga, December 16 dito sa Pilipinas, ay simula na ng Misa de Gallo (Mas kilala sa simbang Gabi) o ang siyam na araw ng paghahanda para sa kapaskuhan. Kung tinatamad ka namang gumising ng maaga, madaming Simbahan at mga kapilya ang magdidiwang ng anticipated mass simula ngayong gabi, December 15.
Sinasabing magkakatotoo ang anumang wish kapag nakumpleto ang Simbang Gabi. Pero base sa karanasan ko, ilang taon ko ng nakukumpleto ang Misa de Gallo, hindi pa din nagkakatotoo ang hiling ko. Medyo imposible daw siguro sabi ni Jesus. Isa lang naman ang hiling ko:
Magkaroon ng 6-pack abs.
Inaanyayahan ko kayo na gumising ng maaga mamaya, magsakripisyo, at makiisa sa Banal na Misa. Hindi para makita ang mga kabarkada, hindi para makita ang nililigawan (mala-Piolo Pascual sa pelikulang 9 Mornings), hindi para makiuso, ngunit magsimba ng buong puso at magpasalamat sa Poong Maykapal at ihanda ang ating mga puso sa kanyang pagdating ngayong Kapaskuhan.
Simbang Gabi na! Maligayang Pasko sa inyong lahat!










